Ano Ang Traditional Devices
Ano ang traditional devices
Answer:
You mean transitional devices? if yes,heres the answer.
ANG MGA HALIMBAWA NG PANGATNIG AY ANG MGA SUMUSUNOD:
at, o, ni, kapag, pag, kung, dahil, sapagkat, kasi, upang, para, kaya, nang
Uri ng Pangatnig
1. Pantuwang – pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan
Hal.
Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad ay palatandaan ng pagsisisi nito.
2. Pamukod – may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipan
Hal.
Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung may bisyo ang ama sa tahanan.
3. Paninsay – kung sa tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ang una
Hal.
Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito makikita ni Mui Mui subalit naniniwala silang pinagsisihan niya ang lahat.
(Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay ginagamit sa unahan ng pangungusap.)
4. Panubali – nagsasaad ito ng pag-aalinglangan
Hal.
Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.
5. Pananhi – nagsasaad ng kadahilanan at pangangatwiran
Hal.
Mga takot ang mga anak palibhasa'y takot din ang ina.
6. Panlinaw – nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan, bagay o pangyayari
Hal.
Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito ang kaniyang pagbabago.
7. Panapos – nagbabadya ng pagwawakas
Hal.
Sa wakas kinakikitaan din ng pagbabago ang ama.
Comments
Post a Comment